Thursday, October 31, 2019

Oracion pang buhay sa MEDALYON NG SAN BENITO



PODER SA MAY TAGLAY NG

MEDALYON NI SAN BENITO




San Benito (St Benedict)

Ang San benito ay kilala bilang isang mabisang pangontra sa masasamang espirito,kulam,barang,palipad hangin,engkanto at iba pa. Ginagamit din ito bilang proteksyon sa bala ng baril (liwas bala).

Madaling mapagana ang medalyon nito na kelangan mo lamang debosyunan sa loob ng 49 days na walang patlang sa pamamagitan ng orasyon na kaakibat nito. Ang pagdedebosyon ay uumpisahan sa unang byernes ng buwan na mapipili mong mag


umpisa. Matapos ang 49 days na walang patlang ay aalagaan mo ito ng dasal na basag sa harap at sa likod ng medalyon tuwing araw ng byernes bilang pakain. Pwede rin ang dalawang beses kada buwan kung sadyang napaka busy mong tao. Wag din kalimutan isimba mo ito sa araw ng linggo.Pwede ring pahiran ng holywater.

Napakaraming gamit ng medalyon na ito kung iyong tutuklasin. Magagamit mo ito bilang exorcsismo sa sinasaniban ng demonyo o masamang elemento. Magagamit din ito bilang panggamot sa naeespirito o nabati ng di nakikitang nilalang.



Narito ang orasyong dapat usalin sa pagdedebosyon nito:

Magdasal ng..

1-Ama Namin

1-Aba ginoo

1-Sumasampalataya

Isunod ito:

SALUMTUM MUNDI SAMISANA UTIHIC

VIVIT REX SELIM MURO MEUM HILELETATEM

JESUS JESUS JESUS JERUSALEM

PLOMUV PLECULETIAN PERTATUM

PETULAM PERDATUM

EL PROBATUR SALUTARE

SANCTA MARIA EGOSUM PACTUM

HUM EMOC GEDOC DOC

GUATNI SICUT DEUS EXENIHILU

SANCTUS BENEDICTUS MONACH

OCCID PATRIARCH PAX

JOTA JETA SIGMA

JESUS HOMINUM SALVATOR

CRUX MIHI REFUGIUM

CRUX SANCTA MARIA YSOSALIME

CRUX SUAMBIT PECABIT

CRUX ESGUAM SEMPER ADORO

CURX DOMINI MECUMCRUX SANCTI PATER BENEDICTI

CRUX SACRA SIT MIHI LUX NON DRACO SIT MIHI DUX

VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA

SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS

PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM

PATER ADONAI X-UM-UM-US (SUCCUMMUX)

SALVA ME, SANCTI ESPICO, AYUDAD ME.



Eto naman ang basag o letra na nasa harap ng medalyon:

CRUX SANCTI PATER BENEDICTE

CRUX SACRA SIT MIHI LUX

NON DRACO SIT MIHI DUX

VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA

SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VINENA BIBAS



Eto naman ang basag o letra na nasa likod ng medalyon:

CRUZ SACRA PATRIS BENEDICTE

CHRISTUS SALVATOR SACERDOS MONS LAPIS

NICAS DOMINUS SABAOTH MAGISTER DEUS

VERITAS REDEMPTIO SAPIENTA

NAZARENUS SOL MESSIAS VIA

SPONSUS MEDIATOR QUASSATUS LEO

IESUS VERBUM BROTUS.



Ito naman ang susi na babanggitin mo na pang mabilisan sa oras ng panganib:

Agnus Dei, qui tollis peccáta mundi, miserére nobis.

Agnus Dei, qui tolis peccata mundi, miserere nobis.

Agnus Dei, qui tollis peccáta mundi, dona nobis pacem.



Pahabol:



Ang medalyon ay nag iinit kung may paparating na panganib o di kaya'y pumipintig. Umiinit din ito tuwing pinapakain ng dasal.

Hawakan ng kanang kamay sa tuwing pakakainin ng dasal ang san benito kasunod ng ihip sa medalyon.

Sa mga mag uumpisang buhayin ito ay wag kalimutang pabasbasan sa pari o sa lehitimong antingero ang medalyon.

4 comments:

Unknown said...

Hello po sir, merun po akong madaming st Bemedict na medalyon, kelangan po ba isa isa ko silang dedebosyunan ng pampabuhay o ok lang po ba na sabay sabay nalang sila na bubuhayin ko sa 49 days po?
Maraming salamat sa pagsagot

Brod. Domz said...

Baka naman meron kayong salin sa TAGALOG NYAN.. Mahirap kase pag Latin lalo na pag hindi talaga nag aral ng Panitikan neto.. maaring iba ang kahulugan kung bigkasin ito ng hindi marunong mag salita o magbasa ng tamang pronouciation ng latin word. sa tingin ko pareho din yun ke tagalog o Latin dahil santo naman sya at seguradong maiintindihan nya rin ang sinasabi kung tagalog.. kaya kung meron sanan kayong tagalog.. salamat

Resty said...

Wala po bang kapalit kapag gusto mong magkaroon ng medalyon na ito?

Anonymous said...

hi po may sn benito ano po ang unang gawin para ito mapabuhay sya